Pinag-usapan nina showbiz columnist Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh sa “Showbiz Updates” noong Martes, Oktubre 17, ang posibilidad na maging chef-actor si “Unbreak My Heart” star Joshua Garcia.

Kasalukuyang kasing tinutupad ni Joshua ang kaniyang pangarap na maging chef. Sa katunayan, naka-enroll na siya sa Center for Asian Culinary Studies at gumawa pa umano ng isang Instagram account na ang content ay eksklusibo lang tungkol sa pagluluto.

“Alam mo, may mga ganoong artista, ‘no? ‘Yung kapag solve na sila sa acting nila o sa career nila, mayroon naman silang gustong ibang gawin,” sabi ni Ogie.

“Hindi rin naman natin alam,” saad pa niya, “baka sa kahusayan ni Joshua sa pagluluto e bigyan siya ng cooking show. O kaya teleserye na isa siyang chef. Nagluluto siya.”

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ayon pa sa tsika ni Ogie, si Jodi Sta. Maria umano ang naging inspirasyon ni Joshua para i-pursue ang pangarap na maging chef.

“Oo, ‘nay. Oo,” pagsang-ayon ni Mama Loi, “kasi nga doon din nag-aral si Jodi sa CACS [Center for Asian Culinary Studies].”

Si Jodi ay kasama ni Joshua sa teleseryeng “Unbreak My Heart” na kauna-unahang collaboration ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment, at Viu Philippines.

MAKI-BALITA: ‘Unbreak My Heart!’ GMA, ABS-CBN, at Viu, sanib-puwersa sa isang collab project

Matatandaang naging usap-usapan pa nga ang intimate scene ng dalawa sa iba’t ibang social media.

MAKI-BALITA: ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi