Pinakawalan na ng Fukushima Firebonds si Robert Bolick nitong Huwebes, Oktubre 19.

Ito ang kinumpirma ng nasabing koponan ni Bolick sa Japan B.League matapos na humingi ng permiso na pakawalan na ito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Bolick recently expressed his intention to leave the club, and despite numerous discussions, he remained resolute in his decision. In the end, we chose to honor his wishes.I would like to emphasize that the contract terms did not make it easy to terminate or transfer mid-season," paglilinaw ni Firebonds president Hajime Nishida.

Naiulat na idinahilan ni Bolick ang pagbubuntis ng kanyang asawang si Cassandra Yu.

"This situation arose shortly after the season began, catching the club off guard. I deeply regret any disappointment felt by our devoted supporters who had high hopes for Bolick,” ayon sa pahayag ng Firebonds.

Matatandaang nagtungo sa Japan si Bolick nitong Mayo upang pumirma ng dalawang taong kontrata sa naturang koponan nang mag-expire ang kontrata nito sa NorthPort.

Sa limang buwan nito sa Firebonds, isang beses lang itong naglaro nitong Oktubre 7 kung saan natalo pa ang kanilang koponan laban sa Yamagata, 82-71 sa kabila ng nahakot niyang 10 points, limang rebounds at apat na assists.

Nina Reynald Magallon at Rommel Tabbad