Inamin ng vlogger na si "Boss Toyo" ng "Pinoy Pawnstars" na nagpaalam muna siya kay Pia Magalona, biyuda ng pumanaw na master rapper na si Francis Magalona o "Francis M," bago niya inupload sa kaniyang social media platform ang video nina Abegail Rait at Gaile Francesca.

Nagulantang ang lahat nang lumantad si Abegail bilang ex-lover daw ni Francis M, at sila raw ay may anak na si "Gaile Francesca."

Nakuha raw ni Gail Francheska ang talento ni Francis M pagdating sa pagkanta, pag-rap, at pagsayaw. Sa loob daw ng 15 taon ay nanahimik si Abigail tungkol dito.

“What we had is real, me and my daughter exist. Mahal niya kami (Francis M) and that’s a fact,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang tanungin kung paano sila nagkakilala, sinabi ni Abegail na naging studio audience siya sa "Eat Bulaga" noon sa GMA Network kung saan naging host dito ang rapper na ama nina Elmo, Saab, at Maxene.

Sa panayam ng mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola sa kanilang programang "Julius and Tintin" na mapapanood sa One PH, sinabi ni Boss Toyo na dalawang beses siyang nag-text kay Pia upang ipaalam ang tungkol dito.

Kilala ni Pia si Boss Toyo dahil siya ang nakabili sa pina-auction na "Bagsakan" polo shirt ni Francis M sa halagang ₱620,000 noong Marso.

Ang halagang ito ay para sa pagpapagamot ng kabanda at gitarista ng "Parokya ni Edgar" na si Gab Chee Kee. na-diagnose kasi ito na may sakit na lymphoma-induced pneumonia. Ang lymphoma ay isang uri ng cancer na ang dinadale ay lymph nodes.

Dalawang beses daw nag-text si Boss Toyo kay Pia subalit hindi raw nag-reply sa kaniya si Pia.

Alam daw ni Boss Toyo ang mararamdaman ni Pia tungkol dito. Hindi raw siya magga-gaslight na may masasaktan. Pero kahit hindi raw sa kaniya lumabas ang katotohanan ay lalabas pa rin naman daw ito.

"I did text her, twice, to inform her na nagpunta si Abegail (Rait) and the kid (Gaile Francesca) and informed her also through text na naka-schedule siya (video) ng 8AM, to be uploaded," paliwanag ni Boss Toyo.

"So, ah... no response. So sabi ko baka... I don't know kasi alam ko rin 'yong mafi-feel ni Ma'am Pia about it, alam ko naman 'yon eh. Hindi naman ako magga-gaslight na may masasaktan... pero kasi kahit hindi siya sa akin lumabas, lalabas siya eh..."

"Pero nangyari na... I didn't know kung I need to say sorry to anyone... pero puwede ako mag-apologize kung may nasaktan or what... alam n'yo naman ako, hindi naman ako masamang tao," giit naman ni Boss Toyo.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pia tungkol dito.

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M sa ex-lover, papasukin na ang showbiz?

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?