‘Handa na bang matakot ang lahat? 👻’

Bilang paghahanda sa darating na season ng “katatakutan” sa nalalapit na Undas, lumikha ang artist na si Shandi Timbang, 33, mula sa Pilar, Bataan ng estatwa ni “Undin.”

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Timbang na recyclable materials ang ginamit niya para sa kaniyang “Paper Mache Art.”

“Undin is made out of recyclable materials po, using newspapers, wire, glue and disposable spoon for the eyes. Nasa 3 weeks to 1 month po bago natapos, hindi kasi continuous sa paggawa,” aniya.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Kuwento pa ni Timbang, naging tradisyon na raw ng kanilang pamilya sa loob ng sampung taon ang paggawa ng Halloween decorations, lalo na’t host din ang kanilang ina ng free Halloween parties para sa mga bata sa kanilang village.

“Before, we buy ready-made decorations. But for three years in a row, I decided to make my own, using recycled materials,” saad ni Timbang.

Bukod kay Undin, nakagawa na rin daw siya ng ibang horror characters, tulad ng imahen nina Sadako at Pennywise.

Courtesy: Shandi Timbang

Courtesy: Shandi Timbang

Kada taon, dinidisplay raw ng kanilang pamilya ang mga nagagawa niyang Paper Mache Art sa terrace na kanilang bahay, kung saan pinagtutulungan din nila ang paglalagay ng iba pang dekorasyon dito.

“Si Mama sa idea, Father ko sa lights. Brother ko sa sounds. Then ako po sa pag gawa ng mismong decorations. Tinutulungan din po nila ako mag paint and cut etc,” kuwento ni Timbang.

“Every year inaabangan po ng neighbors anong theme namin. ‘Yung iba na dayo lang medyo nagugulat. Pero most of the time natutuwa sila and nagpapapicture,” dagdag pa niya.

Courtesy: Shandi Timbang

Bagama’t “kababalaghan” ang isa sa mga karaniwang hatid ng Undas, ibinahagi ni Timbang na nag-eenjoy rin sila sa season na ito dahil sa ngiting naibibigay ng kanilang decorations at simpleng Halloween parties para sa mga bata.

“Actually hindi lang po Halloween, also Christmas din po may decoration and free party kami yearly sa mga kids sa Village,” saad ni Timbang.

“Para lang po talaga ito sa mga kids dito. Kasi gusto ng mother ko na happy sila,” dagdag pa niya.