Inamin umano mismo ni Abegail Rait, ang nagpakilalang dating karelasyong ng pumanaw na si "King of Rap" ng Pilipinas na si Francis Magalona o "Francis M," ang nagsabing may balak umanong pasukin ng anak na si "Gaile Francesca" ang showbiz.

Sa "Pinoy Pawnstars" ni Boss Toyo kung saan naganap ang rebelasyon, sinabi ni Abegail na soon ay papasukin na rin ni Gaile Francesca ang showbiz, partikular daw sa pagkanta. Nagpasampol pa nga ito ng pag-rap at marami ang nakumbinsing anak nga siya ni Francis M dahil nakuha raw nito ang talentong nagsilbing legasiya ng ama sa entertainment industry.

Matatandaang sa nabanggit na vlog din inamin ni Abegail na nagkaroon sila ng relasyon ni Francis M at 15 taon na ang nakalipas ay ngayon lang sila nagsalita tungkol dito.

Samantala, hindi pa malinaw kung sino ba ang mag-handle sa career ni Gaile Francesca kung sakaling pasukin na nga nito ang pag-aartista o pagkanta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

MAKI-BALITA: Ex-lover at anak ni Francis M, dumalaw sa puntod