Tinatayang 46% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations Report (SWS) nitong Huwebes, Oktubre 19.

Sa ulat ng SWS, 44% naman ang naniniwalang hindi magbabago ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, habang 5% naman ang nagsabing lalala pa ito.

Samantala, nasa 5% umano ang hindi nagbigay ng kanilang kasagutan hinggil sa nasabing usapin.

“The resulting Net Personal Optimism score is +41 (% Optimists minus % Pessimists), classified by SWS as excellent (+40 and up),” anang SWS.

National

Catanduanes, itinaas na sa Signal No. 2 dahil sa bagyong ‘Kristine’

“The June 2023 Net Personal Optimism score was 3 points above the very high +38 in March 2023,” dagdag pa nito.

Isinagawa umano ang naturang second quarter survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas.