Aabot sa 344 pamilyang apektado ng flash flood sa Misamis Oriental ang binigyan ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules.

Paliwanag ng DSWD Field Office 10, pinangunahan ng kanilang Disaster Response Management Division (DRMD) ang pamamahagi ng cash aid.

Ang distribusyon ng ayuda ay alinsunod sa Emergency Cash Transfer (ECT) ng Early Recovery Program ng DRMD.

Nilinaw ng DSWD, binigyan nila ng ₱9,120 ang bawat pamilyang nasira ang bahay dulot ng flash flood.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Umabot naman sa ₱4,560 ang tinanggap ng kada pamilyang bahagya lamang ang pagkasira ng bahay.