Nasa 190 pa ang nahawaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (Covid-19) nitong Huwebes, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, umabot na sa 4,118,212 ang kabuuang kaso nito sa bansa hanggang nitong Oktubre 19.

Kabilang na sa naitalang nahawaan ang aktibong kaso nito na 3,059, bahagyang tumaas kumpara sa 2,975 nitong Miyerkules.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nasa 4,048,430 na ang nakarekober sa sakit, ayon sa ahensya.

Naitala rin ang 66,714 na binawian ng buhay matapos madagdagan ng siyam nitong Huwebes.