Tila “tinalakan” umano ni Megastar Sharon Cuneta ang mga gurong dumalo sa Gawad Guro Grand Gathering na ginanap sa Dolphy Theatre ayon sa kuwento ni Ambet Nabus sa isang episode ng Marites University noong Martes, Oktubre 17.

“Pagkatapos niyang kumanta, nag-anunsiyo na siya. Sabi, hindi naman puwedeng hindi ako mag-ano, mag-promote ng ‘Dear Heart’ concert. Tutal nanalo kayo ng maraming papremyo, bumili na kayo ng mga ticket. Ito na ‘yung last chance ninyo, para kiligin. At lalong-lalo na doon sa inyong lahat–medyo seryoso siya, ha–sa inyong lahat na hindi pa nagmo-move on at ayaw mag-move on,” salaysay ni Ambet.

Sey tuloy ng co-host niyang si Jun Nardo: “Kaloka.”

Dagdag pang tsika ni Ambet, ginagawa lang umano nina Sharon at Gabby ang concert para umano sa kanilang fans.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Kaya kung ayaw n’yong mag-move on o di pa kayo nagmo-move on, manood na kayo at bumili na ng ticket, sabi ni Sharon,” saad pa niya.

Napatanong naman si DJ Jhai Ho sa mga ibinahagi ni Ambet: “May nagtanong po kay Sharon about dyan sa issue-issue o kung lumabas lang sa bibig?”

“Sa kaniya. Dire-diretso…Talagang sinabi niya magpo-promote ako. Kasi ‘andito na ang mga teacher. Ito talaga ang audience namin,” sagot ni Ambet.

Nagulat daw ang mga guro sa inasta ng Megastar. Para daw tuloy “natalakan” ang mga ito.

“Kasi seryoso si Mega [Sharon], e. Na ayaw pa n’yo kasing mag-move on kaya manood kayo. Kung di kayo magmo-move on, sige manood kayo ng ganitong concert,” paliwanag pa ni Ambet.

Nakatakdang mangyari ang nasabing concert sa darating na Oktubre 27 sa SM Mall of Asia Arena.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Sharon tungkol dito.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’