Pinalilikas na ng pamahalaan ang mga Pinoy na malapit sa southern border ng Lebanon sa gitna ng tensyon sa nasabing lugar.

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga Pinoy na iwasan ang mga non-essential travel sa katimugang bahagi ng Lebanon.

“Due to the persistent tension in Lebanon’s southern border posing a significant threat to the safety and security of civilian residents, the Philippine Embassy urges all Filipinos close to the border to evacuate preemptively to ensure their well-being and security,” sabi ng embahada ng Pilipinas.

Panawagan ng embahada sa mga Pinoy, kontakin na lamang sila sa +961 70 858 086 o sa Migrant Workers Office sa +961 79 110 729 upang masubaybayan ng mga ito ang sitwasyon.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nauna nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na halos 100 Pinoy na nakatira sa northern Israel, hangganan ng south Lebanon ang nailikas na sa kabila ng air strike ng Lebanese group na Hezbollah.

“Sa north malapit sa Lebanon may kaunting Pilipino doon less than a hundred. Pina-evacuate na rin kasi umuulan na ng rockets ng Hezbollah, terror organization sa Lebanon," sabi naman ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa panayam sa radyo nitong Oktubre 17 ng gabi.

PNA