Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

May panibago na namang word play at hirit si "E.A.T." host Joey De Leon sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Oktubre 16. 

Makikita kasi sa background niya ang isang monitor TV na may nakalagay na pangalan ng kanilang noontime show sa TV5. Pagkatapos, makikitang ang suot niyang damit, may nakatatak na "Eat Bulaga."

Sa kaniyang caption, binigyan niya ng ibang depinisyon ang ibig sabihin ng akronim na "E.A.T."

"EAT—-Eto Ang Trolls," aniya. 

Ang salitang "trolls" na karaniwang tumutukoy sa mga fake o dummy accounts sa social media na ginagamit ng bashers o detractors sa paninira,  ay binigyan niya ng ibang pagpapakahulugan. 

"TROLLS—-Television’s Real, Original, Legit Lunchtime Show 🎈🎈🎈🎈🎈," aniya.

 

Matatandaang habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa natatapos ang hidwaan sa pagitan ng TVJ at TAPE, Inc. tungkol sa paggamit ng pamagat na "Eat Bulaga."