National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Buo ang suporta ni Jason Francisco para sa kaniyang misis na si "Magandang Buhay" at "It's Your Lucky Day" host Melai Cantiveros, sa promotion ng pelikula nitong "Ma'am Chief Shakedown in Seoul" na kinunan pa sa Seoul, South Korea.

Sa kaniyang Facebook account, ginawa pang profile photo ni Jason ang official movie poster nito. 

Laugh trip naman ang mga netizen sa deskripsyon ni Jason sa kaniyang misis. 

"🔥 KAMSAMIII 🫶🏻🫶🏻🇰🇷 Sabay sabay po tayo manuod at suport naten ang pinaka maingay na babae nakilala ko ☺️-🤣 Let’s Gow ‼️ PULP Studios."

Matatandaang sa isang episode ng "It's Your Lucky Day," kinulit at inuntag ni Luis si Melai kung paano ba maging mister sa kaniya si Jason. 

Biro niya, hindi raw siya nagpakasal dito para maging chef o tagaluto nito. 

In a serious note, sobrang sweet at gentleman daw ang mister lalo na kapag inaalalayan siya nito sa pag-akyat sa hagdanan, o kaya naman, kapag pinagbubuksan ng pinto ng kotse. 

Nabuo ang love story ng dalawa nang parehong maging housemates sa reality show na "Pinoy Big Brother."