Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Viral ang video ng isang babaeng boutique owner matapos niyang bigyan ng libreng bag ang isang batang babaeng nagtitinda ng gulay, na napadaan sa kaniyang shop. 

Sa TikTok video ni Cyril Johnson, may-ari ng Fashion Boutique Center Island, sa San Francisco, Agusan del Sur makikitang sumilip ang batang babae sa kaniyang boutique upang mag-alok ng gulay. 

Nagtanong pa ang bata kung may murang bag daw sa mga paninda nito. Nang sabihin niyang ₱300, sinabi raw nitong mag-iipon daw muna ito upang mabili ito. 

Nabagbag naman ang puso ng boutique owner kaya napagpasyahan niyang ibigay rito nang libre ang corduroy bag na nagustuhan nito. 

Sa mga sumunod na araw ay ipinakilala ng batang babae si Cyril sa kaniyang ate, na nagtitinda naman sa kanilang puwesto sa palengke. 

Naantig naman ang damdamin ng mga netizen sa kabutihan ng puso ni Cyril, na naging dahilan upang mag-viral ang video. 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Cyril, sinabi niyang naantig ang kaniyang damdamin kay Cyril dahil sa kasipagan nito.

Isinalaysay niya ang mga nangyari sa likod ng nabanggit na viral video. 

"Palagi ko siyang nakikitang dumadaan sa shop ko. One time pumasok siya kasi bumili ako ng gulay, nagtanong siya kung may mura ba kaming bag..."

"Sabi ko 'yong corduroy ₱350 pero i-₱300 ko na lang. Sabi niya pag-ipunan daw niya. After couple of days bumalik siya at tinatanong kung anjan pa ba 'yong bag." 

"Naisipan ko na if babalik siya ibibigay ko na lang 'yong bag kasi alam kong matagal-tagal pa niya 'yong pag-ipunan. Tag-₱20 lang kasi 'yong gulay na binebenta niya."

"The next day inaantay ko 'yong pagbalik niya at nasa labas lang siya kasi ang lakas ng ulan at habang nag-antay ng bayad ng binili kong gulay. Dala-dala ko na 'yong bag."

"The reason why I filmed it Kasi gusto king makita natural reaction niya.

Hindi raw akalain ni Cyril na magba-viral ang kaniyang post.

"Maraming natutuwa at naantig ang puso which I didn't expect 'yong feedback ng mga tao kasi kung tutuusin maliit na bagay  'yong nabigay ko.  Maraming nag-request ng part 2 at they suggest na i-model ko siya sa shop ko. Sinabihan ko siya at excited na siya," aniya. 

 

Kaya sa mga susunod na araw ay inaasahang baka maging modelo na rin ang nabanggit na bata sa kaniyang boutique shop.  

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!