Kasamang sumalang ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang kaniyang asawang si Congresswoman Lani Mercado-Revilla sa panayam ni showbiz columnist Ogie Diaz nitong Lunes, Oktubre 16.

Isa sa mga naitanong ni Ogie sa mag-asawa ay kung paano nila hinaharap ang kanilang mga basher. Sagot ni Revilla, tingnan na lang daw ng mga ito ang kaniyang track record.

“Tayo naman, I go for constructive criticism. Kung mayroong pagpuna, gusto ko ‘yun. Kasi it’s room for improvement for me,” sabi naman ni Lani.

Naikuwento rin tuloy ni Revilla ang bahagi ng kaniyang buhay kung kailan siya ay nakulong nang mahigit apat na taon. Sa kabila niyon, hindi naman umano naging hadlang iyon sa kaniya para maire-elect ulit sa senado. Sa katunayan, naging mabuting tao at mabuting lider pa nga raw siya dahil sa karanasang iyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“At ‘yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na sila, Ogie,” sabi pa ni Bong.

Matatandaang nakulong si Revilla noong 2014 matapos kasuhan ng plunder at graft at madawit sa pork barrel scam.

Makalipas ang mahigit apat na taon, naabsuwelto sa nasabing kaso ang senador dahil ayon umano sa desisyon ng korte, hindi napatunayan ng prosecution “beyond reasonable doubt” na tumanggap siya ng komisyon at kickback.mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund.