Nagbigay ng tagos-pusong mensahe si Vivamax star AJ Raval sa ama niyang si Jeric Raval sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Oktubre 15.

“Thank you for your firm commitment and guidance to ensure our happiness and well being. I appreciate the sacrifices you have made to provide for our family. Thank you for all the Advice, wisdom and valuable lessons you have instilled in me. At ang pinaka sa lahat ay ang pag bigay mo ng oras at atensyon saamin ❤️” saad ni AJ sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “You will always be the first man I ever loved Tatay Erick ❤️”

Hindi naman naiwasang maipagkumpara ng isang netizen si AJ sa mga anak ng aktor na si Dennis Padilla.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Buti pa toh may respeto sa tatay anu man mga nakaraan ni Jerick eh. Yung isa, walang pake kay Dennis.”

Tugon naman ng isa: “@mia_and_fledge agree ako Sa iyo Sana ganyan din mga Anak ni kuya Dennis Padilla”

Matatandaan kasing ilang beses dinedma si Dennis ng kaniyang mga anak kay Marjorie Barreto.

Nagtampo pa nga siya nang hindi man lang siya nakatanggap ng mensahe ng pagbati noong Father’s Day noong nakaraang taon.

Hindi tuloy napigilang tumugon ng anak niyang si Leon sa pagtatampong iyon ni Dennis dahil naba-bash umano silang magkakapatid sa ginagawa ng kanilang ama.

Agad din naman humingi si Dennis ng tawad kay Leon dahil sa kaniyang inasta.

MAKI-BALITA: Claudia Barretto, tumugon sa b-day message ni Marjorie; dedma naman kay Dennis – Balita

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, umasa pa lang mababati man lang ng mga anak kamakailan: ‘Total Pasko naman’ – Balita

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli

MAKI-BALITA: Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father’s Day? – Balita

MAKI-BALITA: Leon sa amang si Dennis: ‘Is public sympathy really more important than your own children?’ – Balita

MAKI-BALITA: Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’