Marami ang napa-”sana all” sa post ng US-based Ilonggo nurse na si Arnold Uy, 25, kung saan nakasama niya sa isang selfie ang multi-Grammy award-winning American singer at songwriter na si Taylor Swift.

Makikita sa Facebook post ni Uy ang larawan nilang magkakaibigan kasama si Taylor sa nagdaang premiere ng The Eras Tour nito sa Los Angeles (LA) noong Miyerkules, Oktubre 11.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Uy na dalawang taon na siyang nurse sa Fresno, California.

Nang makatanggap daw siya ng imbitasyon para umattend sa nasabing event, hindi na raw niya pinalampas pa ang pagkakataon at talagang lumipad ng LA para rito.

Taylor Swift, kinilalang first female artist na humakot ng 100M monthly Spotify listeners

“These are the things that I don’t think twice anymore because getting invited to go to an event by the one and only Taylor Swift can only happen once in a lifetime,” aniya.

Kuwento pa ni Uy, dahil may nakatakda siyang duty noong Oktubre 11 ay pinakiusapan talaga niya ang kaniyang mga katrabaho na makipagpalit ng work days, at nagpapasalamat daw siya dahil pumayag ang mga ito.

“Luckily we were able to get a good deal on both the plane tickets and hotel,” kuwento pa ni Uy.

Ibinahagi rin niya na bilang isang certified Swiftie, ang pinaka hindi raw niya makakalimutan sa nangyari ay ang makita nang malapitan ang “nag-iisang Taylor Swift.”

“The most unforgettable part of that experience was seeing and meeting Taylor up close. That short interaction with her was the highlight of my life as a Swiftie,” saad ni Uy.

Samantala, habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 63,000 reactions, 461 comments, at 16,000 shares ang naturang post ni Uy.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Namatay na lang ako sa inggit.”

“The biggest SANA ALL!! Lord, anak n’yo rin naman po ako.”

“Yan ang when.”

“Nakakainggit Tinanong mo rin sana kung pupunta siya ng Pinas .”

“SOLID NAOL .”