Tiniyak ng pamahalaan na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang resupply mission sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng patuloy na pangha-harass ng mga barko ng China.

"We will just continue to do what we are supposed to be doing, which is implementing the 2016 Arbitral Award, kasi tinatanong ng karamihan how would the Philippines implement the Arbitral Award. (We do this) by exercising our rights, our sovereign rights, so patuloy lang po ‘yung ating resupply whether it is Ayungin Shoal, whether it is in Rizal Reef, kahit may harassment hindi na galing sa Chinese Coast Guard but coming from the PLAN (People's Liberation Army) Navy (as well)," pahayag ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya nitong Lunes.

Nitong Linggo, isinapubliko ng Philippine Navy na nakaranas sila ng pangha-harass ng barko ng PLAN habang sila ay patungong Rizal Reef Station para sa resupply mission nitong Oktubre 13.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Inirereklamo rin ng mga tauhan ng BRP Benguet ang mapanganib na pagmamaniobra ng barko ng PLAN.

Kaagad ding lumayo ang barko ng PLAN matapos magsagawa ng radio challenge ang tropa ng pamahalaan.

"They will continue to do what is necessary to supply our people. We will continue to resupply our people and we will continue to support our fishermen na nangingisda sa WPS," dagdag pa ni Malaya.

PNA