Ibinahagi ng aktor na si Markus Paterson ang mga larawan nila ng aktres, model, at host na si Lou Yanong sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Oktubre 15.

“contrast cuteness,” saad ni Markus sa caption ng kaniyang post. Mapapansing ang mga larawan ay tila kuha noong nakaraan pang ABS-CBN Ball 2023.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

View this post on Instagram

A post shared by Markus Paterson (@markus)

Hindi naman nakaligtas sa batikos si Markus mula sa komento ng isang netizen. Sapantaha ng mga marites, mukhang may namumuong "something" sa dalawa. Narito ang ilang komento:

“maging tatay kana lang muna sana”

“@iambenedictb mabait po xang tatay ❤️”

“@iamelgenn pero as a partner kay janella hindi, sana naman di nya buntisin si lou tapos iiwan sa huli”

“@iambenedictb why don't you guys mind your own business. You all talk as if your lives is so perfect. What fools you are. Seat your A$$3$ Down please and let them live their lives. Y'all act like you pay their bills. Before you guys point at someone stink, check your own A$$3$ first to see if your Shyt is even together. Y'all are sooo quick to give an opinion when your own lives are mess as well.”

“@a5h5travel5torie5 pakialamera kasi yan cla,”

“@iamventage nag post lng buntisin agad..napaka malisyoso mo at kung mkapagbigay ka ng opinion parang kasama mo c markus araw araw”

“@iamventage bibig mo pasmado”

“@iamventage Buntisin agad? Hahahaha napakaadvance nyo naman.”

Si Lou ay dating Pinoy Big Brother 8 housemate at kung saan niya nakasama ang dati niyang jowang si André Brouillette.

Kasalukuyan namang may anak si Markus sa aktres na si Janella Salvador. Noong 2021, sinabi pa ng aktres na thankul umano siya sa pagiging “hands-on father” ni Markus.

Pero noong sumunod na taon, ibinuking ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na hiwalay na umano ang dalawa dahil sa “drinking problem” ni Markus.

MAKI-BALITA: ‘Di pa nakaka-move on—Lou Yanong iniiyakan pa rin si André Brouillette – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

MAKI-BALITA: Janella Salvador, thankful sa pagiging ‘hands-on father’ ni Markus – Balita

MAKI-BALITA:  Janella, nabubuwisit daw sa ‘drinking problem’ ni Markus; Kapamilya couple, nag-split na rin — Ogie Diaz