Ilang araw na raw nawawala ang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 na si Catherine Camilon mula sa lalawigan ng Batangas, ayon sa kaniyang kapatid.

Ayon sa Facebook post ng kapatid niyang si Chin-Chin Camilon, simula Oktubre 12, 2023 pa nawawala ang kaniyang 26 na taong gulang na kapatid, at isang guro.

Nagpapatulong na siya sa mga netizen upang mahanap ito.

"Sana makabalik ka na sa atin, madami nag aalala sayo kung nasaan ka 🥲❤️ halos dalawang araw ka ng walang update sa amin, wala namang alis na wala kang update, sana okay ka lang kung nasan ka man. Mahal na mahal ka namin ❤️🥲," pahayag ni Chin-Chin sa kaniyang Facebook post.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Umapela rin ng tulong ang ina nilang si Rose Camilon.

“Anak nsn ka? uwi na..magbuhay kn ng cp para makausap kn nmin..mahal n mahal ka nmin….Dyos ko tulungan mopo kame makita na oh mkausap ang aming bunso wag nio po ciang pbbyaan," aniya sa Facebook post.

“Ilayo nio po cia sa kapahamakan. Panginoon wla po akong ibng hinihiling para sa knila kundi ang kaayusan nila..ingatan nio po cia,” dagdag pa niya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang update kung natagpuan na ba si Catherine. Makipag-ugnayan lamang sa Facebook accounts nina Rose at Chin-Chin kung may detalye at impormasyon hinggil sa beauty queen-teacher.