Narekober at nahila na ng pamahalaan ang tumaob na maliit na fishing boat matapos salpukin ng foreign oil tanker na MV Pacific Anna sa South China Sea (SCS) kamakailan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa anim na araw ang paghila sa nasabing fishing vessel na dumating na sa Subic Freeport nitong Oktubre 14 ng gabi.

Isinagawa ang retrieval operation sa tulong ng tugboat na MT Avior na pag-aari ng Harbor Star Salvaging company.

Matatandaang sinalpok ng nasabing oil tanker ang nasabing bangka habang nangingisda 180 nautical miles o mahigit 333 kilometro kanluran ng Agno, Pangasinan nitong Oktubre 2 ng madaling araw na ikinasawi ng tatlong mangingisda.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Natunton ang nasabing barko, nakarehistro sa Marshall Islands, sa pamamagitan ng kanilang maritime communications device na automatic identification system, ayon pa sa Coast Guard.