Ibinahagi ni Kapuso star Dingdong Dantes ang ilang kuhang larawan sa kaniyang Instagram account kaugnay sa naging talk niya sa mga estudyante ng Philippine Navy kamakailan.

“Grateful to have shared my passion as an actor, director, producer, and reservist with 28 talented students from the media specialization course of the Philippine Navy on my service day yesterday,” pahayag ni Dingdong sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “We explored the art of storytelling and the vital role of directors in shaping our nation's narrative.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hindi naman naiwasang ipahayag ng mga netizen ang kanilang paghanga kay Dingdong. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin?? So so proud of you!”

“Hanep👏”

“So proud of you & all that you do for your industry @dongdantes 👏🏻👏🏻👏🏻”

“Hooyah and oorah Bok @dongdantes !”

“Good job papa Dong”

Matatandaan na noong 2020 ay hinirang si Dingdong bilang lieutenant commander mula sa pagiging master sergeant ng Philippine Navy.