Kinapanayam ng newscaster na si Korina Sanchez ang aktor na si Diether Ocampo nitong Linggo, Oktubre 15.

Isa sa mga naitanong ni Korina kay Diether ay kung may dream role pa rin umano ang huli. Halos nagampanan na kasi ni Diether ang lahat ng puwedeng gampanan sa isang pelikula o teleserye.

“Nag-comedy ka na, nag-action ka na, nag-horror ka na, naging leading man ka na. O, ano pang natira?” tanong ni Korina.

“Ang gusto kong gampanan…talambuhay ng mga naging, uh, kumbaga masasabi kong mga importanteng mga tao sa ating history sa Pilipinas,” sagot naman ni Diether.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bigla tuloy napansin ni Korina na parang bagay si Diether gumanap bilang si Emilio Aguinaldo.

“Kasi nasa buhok, e. Nasa datingan ng buhok,” dagdag pa ni Korina.

“E, Caviteño rin,“ segunda pa ni Diether.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Diether bilang kapitan sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).