Nagbigay ng opinyon si showbiz columnist Cristy Fermin sa “">Showbiz Now Na” nitong Linggo, Oktubre 15, kaugnay sa ginawang “pagbanat” ni Megastar Sharon Cuneta sa isa nitong basher.

May isa kasing basher na pumutakti sa Instagram post ni Sharon kamakailan kung saan tampok ang isang handwritten note mula sa kaniyang panganay na si KC Concepcion.

“Then stop comparing ng mga anak Mo,” saad ng basher sa comment section.

Tila nag-init at sumabog ang Megastar kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon na buweltahan ito:

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“@bubontherun_ for the record sa yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip - KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO. Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong. Plus WALA KAYONG HALAGA SA AMIN KAHIT NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA. Buhay nyo asikasuhin nyo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na.”

Pero sa pananaw ni Cristy at ng kaniyang mga co-host na sina Romel Chika at Wendell Alvarez, hindi dapat ito ginawa ni KC.

“Hindi na naman niya nakontrol ang kaniyang sarili,” sabi ni Cristy, “kasi bilang isang pampublikong personalidad…ang mga artista, kailangan ang mga fans. Kailangan ang ating mga kababayan. Hindi dapat sila nagsasalita ng hindi namin kayo kailangan.”

“Kailangan talaga maghinahon si Sharon muna sa mga sagot niya,” segunda naman ni Wendell, “at hayaan na lang niya ‘yung mga basher doon kung ano man ang sasabihin ng mga basher.”

Dagdag pa ni Cristy, ganoon daw talaga. Public figure si Sharon. Pinasok ang masalimuot na industriya ng showbiz. Natural talaga na tudlain sila ng hindi magagandang salita. Kaya mas mabuting palampasin na lang.

“Alam n’yo na nakabukas ang pintuan para kayo ay purihin at pansinin, di ba,” sabi pa ni Cristy.

“Kaya nga noong nabasa ko ‘yun…naisip ko: ‘Sharon, please’,” saad naman ni Romel.

Saka kung uugatin daw, tila si Sharon naman talaga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng impresyon ang tao na mayroon siyang “tinitingnan” at “tinititigan” sa kaniyang mga anak.

Kaya siguro hindi nakakapagtakang may mga pagkakataon na nakakaramdam si KC na tila mag-isa lang siya.

Pero depensa ni Sharon: “It was her choice.”

MAKI-BALITA: Sharon mega-talak sa basher: ‘Buhay n’yo asikasuhin n’yo!’ – Balita

MAKI-BALITA: Sharon sa ‘pag-iisa’ ni KC: ‘Being alone is her choice!’ – Balita

MAKI-BALITA: Sharon pinaiyak ang netizens dahil sa mensahe kay KC – Balita