“He is not aware that his beloved master is never coming back.”

Mahigit isang taong nanatili ang isang aso sa labas ng isang ospital sa Caloocan City upang hintayin umano ang kaniyang fur parent.

Subalit ang hindi niya alam, hindi na babalik ang kaniyang hinihintay dahil pumanaw na ito. 

Sa isang Facebook post ng non government organization na Animal Kingdom Foundation (AKF), ibinahagi nito ang kuwento ng nasabing aso sa labas ng Manila Central University (MCU) Hospital sa Caloocan na ni-rescue raw nila noong Oktubre 7, 2023.

‘Katulad ni Hachiko’: Dalawang aso, naghihintay pa rin sa namatay na fur parent

Ayon sa AKF, pinangalanan ang naturang loyal dog na “Morgan” dahil palagi raw itong nananatili noon sa morgue area ng ospital.

“We learned from the people at MCU Hospital that Morgan’s owner was confined there last year because of COVID. Unfortunately his owner died,” kuwento ng AKF. 

“Morgan never left since, he waited for his master, for more than a year. He is not aware that his beloved master is never coming back,” dagdag pa nito.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ng AKF na nakatanggap daw sila ng mga ulat na sinubukan ng pamilya ng fur parent ni Morgan na iuwi ito, ngunit lagi raw itong bumabalik sa labas ng ospital.

Nagpasalamat naman ito sa mga taong nagpakain at nag-alaga kay Morgan nang mga panahong nasa labas pa lamang ito ng ospital, at hindi pa nila nare-rescue.

“Big thanks to the doctors, students, medreps, guards and hospital staff who gave Morgan food everyday. They chose not to report him to the pound because they know that Morgan will be euthanized if captured,” saad din ng AKF.

Kaugnay nito, dinala na raw si Morgan sa AKF center sa Capaz, Tarlac upang alagaan bago hanapan ng panibagong fur parent na magbabalik din sa pagmamahal na nararapat sa isang loyal dog na katulad niya. 

"He has undergone a health check and will need vaccinations and neutering before we open for adoption," pagbabahagi ng AKF sa Balita.