Ibinahagi ni Kapamilya star Ivana Alawi sa kaniyang Instagram story nitong Sabado, Oktubre 14, ang isang video ng tricycle na puro pictures niya ang nakalagay.

As in buong bahagi ng tricycle ay balot ng mga larawan ni Ivana. Mula sa cover ng upuan hanggang sa bubong nito.

“Kanino ‘to!?? 😂” tanong niya tuloy sa Instagram story.

Tila may masuwerte na namang mapupuntahan ni Ivana at maitatampok sa kaniyang vlog . Matatandaang kamakailan lang ay “nawindang” siya sa isang babalang nakasulat sa pader na nagsasabing siya lang umano ang puwedeng umihi doon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hinanap niya tuloy kung sino ang may pakana ng paglalagay ng babala sa nasabing pader at game na game niyang inihian iyon.

Iba talaga ang alindog na dala ni Ivana. Hindi na maawat ang madla sa pag-iisip ng iba’t ibang malikhaing gimik mapukaw lang ang atensyon ng sexy star.

MAKI-BALITA: Ivana windang sa babala; siya lang puwedeng umihi – Balita

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, game na game ‘umihi’ sa bakod – Balita