Nagkaroon ng sagutan ang “Linlang” stars na sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa X matapos ibahagi ng huli ang balita tungkol sa muling pagbabalik ng Korean Star na si Park Seo Joon kamakailan.

“Waaaahhhhhhhhh!!!!!!!😍😍😍😍😍” saad ni Kim sa caption ng ibinahagi niyang balita kung saan makikita ang larawan ni Park Seo Joon na kumakaway sa camera na tila sabik na sabik ang aktres sa pagdating ng South Korean star.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1712858060245627092

Tanong tuloy ni Paulo: “Bakit po nung umuwi si Victor sa Pilipinas di ka ganyan ka excited?”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Para nga pala sa mga di nakakaalam, si Victor Lualhati ay ang karakter na ginagampanan ni Paulo bilang asawa ng karakter ni Kim na gumaganap bilang si Juliana. Ang nasabing TV series ay ipinapalabas tuwing Huwebes sa Prime Video, isang online streaming platform.

Anyway, narito naman ang sagot ni Kim sa tweet ni Paulo: “Ha?!!! Talaga??? Ako? di excited sa pagdating mo Victor?!!!😱 talaga?!!! Bumili nga ako ng bagong B** at P***Y para sayo diba? ang bilis mo naman makalimot.😒”

https://twitter.com/mepauloavelino/status/1712997430898393126

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1713052840376365310

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang kanilang naging sagutan. Basahin ang kanilang mga nakakaaliw na komento:

“Hayp ka 😂😂😂”

“Kahit anung mang yari Di KO makuhang mainis sayu Kim. Ikaw na talaga ang ring sa cupcake KO.🫢”

“Juliana Lualhati's Institute of Gaslighting and Victim blaming. 🤣”

“Napaka haliparot ni Juliana sa palusot na yun!😅 #LinlangOnPrime”

“Ah talaga ba, Juliana? Galing mo din magpalusot noh! 😏 #LinlangOnPrime”

“Naku tiii Kim, gigil ako dun sa scene na yun. Galing mo magpalusot, kay kuha mo gigil ko. 😭😭😭”

“hahhahaa putikkk habang binabasa ko character at boses talaga ni Juliana naririnig ano ba kim sana bukas thursday na para tuloy ang gigil!”

“mapanlinlang tlga si juliana 😅💖#LinlangOnPrime #Juliana #Victor”