Nagulat ang aktres na si Ruffa Gutierrez nang marinig niyang magmura ng "put*ng-in* ang anak na si Lorin Bektas habang kumakanta at ka-video call ito.

Nang tanungin niya ang anak, mula raw ito sa awiting "Ere" ni JK Labajo.

"What? Did you say bad words?" tanong pa ni Ruffa.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Batay sa caption ng TikTok video, nasa California si Lorin dahil doon ito nag-aaral. Nagulat si Ruffa na kahit nasa ibang bansa, updated ang anak sa mga nangyayari sa Pinas.

"Morning chikahan with @lorin ? She knows all the latest in the Philippines even if she’s a universiry student in Malibu, California. ? Grabeeeee!! ? Take singing lessons na. ?? [And] don’t say BAD WORDS! ?? #MotherDaughter #foryou," anang Ruffa.

Nag-react naman dito si Lorin, "Why are u exposing me?"

"Well..." sey naman ni Ruffa.

Matatandaang ang 'Ere" daw ang kauna-unahang OPM song na nakapasok sa global hit chart ng music-streaming na Spotify.

MAKI-BALITA: ‘Ere’ ni JK Labajo, unang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify