Nanindigan ang transport group na Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela) na itutuloy nila ang tigil-pasada sa Lunes, Oktubre 16, bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle Modernization program ng pamahalaan.

Ito ay kasunod na rin ng hirit ni Manibela president Mar Valbuena, na kanselahin ng Malacañang ang nakatakdang pakikipag-usap sa kanila ng grupo nitong Linggo ng hapon.

Aniya, may mga taong ayaw maayos ang usapin dahil baka mabuking ang kanilang kalokohan.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Tumanggi naman muna si Valbuena na pangalanan ang mga ito.

“Tsaka ko na sasabihin [kung sino sila], malapit na! Mga corrupt talaga ito,” ani Valbuena.

“‘Yun lang ang nabalitaan na may meeting, hinarang na. Sangkot siguro 'to sa anomalya. Kilala ko sila, binanggit sa ’kin. Pero, hindi ko muna sasabihin… Ako na nag-request na mag-cancel kung ganoon ang isyu nila,” dagdag pa nito.