72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ibinahagi ni beauty queen-actress Maxine Medina na muli silang nagpakasal ng asawang si Timmy Llana nitong Oktubre 13 sa Coron, Palawan. 

May hashtag ang kanilang kasal na "#TIMtotheMAX."

Batay pa rin sa caption, naganap ang beach wedding sa Club Paradise sa Coron, Palawan. 

Matatandaang nauna nang ikinasal sina Maxine at Timmy sa isang simbahan sa Antipolo nito lang nakaraang Oktubre 3. 

Sa panayam kay Maxine, sinabi niyang dalawa talaga ang nakatakdang seremonya ng kanilang kasal. Ang kasal sa simbahan ay bilang pagpapakita ng paggalang sa kanilang mga magulang, at ang pangalawa naman ay dream wedding nila. Si Maxine ay Miss Universe Philippines 2016.