Pulutan na naman sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika ang “Wowowin” host na si Willie Revillame sa “">Showbiz Now Na” kamakailan.

Matatandaang noong Setyembre ay tila ipinagtanggol pa ni Cristy si Willie mula sa mga basher na inaakusahan itong gumagamit lang umano ng mahihirap para yumaman.

Pero sa pagkakataong ito, parang nag-iba ang tono ni Cristy kay Willie. Tila wala raw kasing nangyayari sa bagong show ni Willie na napabalitang eere sa dalawang government-owned stations, PTV 4 at IBC-13.

“Ang nakakalungkot lang, ‘yung ang daming nag-aabang sa kaniya. Marami pa ring kababayan natin ang umaasa na kahit papaano ay makakasudlong siya sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa papremyo niya. Pero ngayon, ang lumulutang na balita ngayon mukhang ang dami-dami na naman niyang hinahanap. Marami siyang tinatanong. Kaya ano ‘to, in limbo na naman kung matutuloy o hindi?” pahayag ni Cristy.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Mahirap kasi talaga pagka ‘yung istasyon mo isang government station, e,” segunda naman ni Wendell.

Pero tila may iba pang nakikitang dahilan si Cristy kung bakit “lumalagapak” umano si Willie.

“Ano sa palagay n’yo ang nangyayari kay Willie Revillame? Bakit siya bumagsak ng ganitong lakas ng lagapak?” tanong ni Cristy sa dalawa niyang co-hosts.

“Kapabayaan,” sagot ni Wendell.

“Ungrateful” naman ang kay Romel. “Ikaw, Nanay?”

“Kayabangan,” walang pag-aatubiling tugon ni Cristy.

Sa kasalukuyan, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Willie tungkol dito.

MAKI-BALITA: Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman – Balita

MAKI-BALITA: Wowowin, mapapanood na sa PTV-4, IBC-13?