Inalay ni Gilas Pilipinas veteran June Mar Fajardo ang kaniyang Asian Games gold medal sa kaniyang yumaong ina.

Sa kaniyang Instagram post, nagpaabot ng nakaaantig na mensahe si Fajardo para sa kaniyang ina na pumanaw umano noong 2021.

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ng 33-anyos na beteranong basketbolista ang pagtabi niya ng kaniyang gold medal sa urn ng kaniyang ina.

“Gold medalist na akong Mama!🤍😘🥇,” ani Fajardo sa nasabing post.

Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games

“Wish I could put this medal around your neck Ma!🥺,” saad pa niya.

Nagbigay ng kontribusyon si Fajardo sa Gilas upang makamit ang makasaysayang gold medal sa Asian Games sa Hangzhou, China.

Bukod naman sa pagiging mahalagang miyembro ng Gilas, nagsisilbi ring star player si Fajardo sa PBA, kung saan anim na beses na siyang kinilala bilang most valuable player (MVP).