Inanunsyo na ng social media page ng debut Hollywood film ni Liza Soberano na “Lisa Frankenstein” ang premiere date nito.

Sa isang post ng kanilang X (dating Twitter) page nitong Sabado, Oktubre 14, isang short teaser ang ibinahagi ng pelikula, kung saan inanunsyo na rin dito na unang ipapalabas ang “Lisa Frankenstein” sa darating na Pebrero 9, 2024.

“[I]t's giving unliving LISA FRANKENSTEIN only in theaters 2.9.24. written by diablo cody & directed by @zeldawilliams,” caption ng nasabing post.

Ang “Lisa Frankenstein” ay isa umanong romantic-comedy tungkol sa isang teenager (ginanapan ni American actress Kathryn Newton) na na-inlove sa isang makisig na bangkay (ginanapan ni American actor Cole Sprouse)

Liza Soberano, binasag ang katahimikan tungkol sa panibagong tinatahak ng career

Base sa mga ulat, si Liza ang gaganap bilang stepsister ng karakter ni Kathryn Newton sa pelikula.

Samantala, habang isinusulat ito’y wala pa namang kumpirmasyon kung ipapalabas ang “Lisa Frankenstein” sa Philippine cinemas.

Matatandaang buwan nang Agosto nang unang ianunsyo ang pagsama ni Liza sa naturang proyekto, kung saan isa rin ito sa mga unang naging senyales hinggil sa panibagong tinatahak na karera ng aktres.