Hindi kakapusin ang suplay ng karneng baboy at itlog ngayong Christmas season.

Ito ang pahayag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang forum sa Quezon City nitong Sabado at sinabing tataas ang produksyon ng mga ito sa bansa.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Bukod dito, patuloy ding umaangkat ng karne ang gobyerno para sa dagdag na suplay nito sa huling tatlong buwan ng 2023.

“Iyong nabanggit ko dati na, iyon nga na inayos ko ngayon… iyong import naman ay tuluy-tuloy iyan dahil parating ngayong fourth quarter – ito iyong naproseso noong mga nakaraang buwan pa ng Bureau of Animal Industry,” lahad ni De Mesa.

"May mga pumapasok naman regularly ng importation. Iyong ASF [African Swine Fever] naman ay nandito na sa atin, nagsimula ito noong August 2019 sa Rodriguez, Rizal, noong Regional Director pa ako at marami nang lugar na tinamaan ng ASF iyong napa-graduate na natin from infected zone o red zone into pink zone, iyong buffer zone natin hanggang yellow zone,” anang opisyal.

Nilinaw din ni De Mesa, kadalasan ay tumataas ang demand ng itlog sa pagbubukas ng klase sa paaralan dahil mas gusto itong almusal ng maraming estudyante.

Mataas din aniya ang demand nito sa mga hotel, restaurant and industrial users (HRIs).