Dinepensahan ng showbiz columnist na si Ogie Diaz sa kaniyang “">Showbiz Updates” noong Huwebes, Oktubre 12, ang Kapamilya star na si Joshua Garcia mula sa mga pumuputakti ritong netizen.

Inakusahan kasing “red flag” si Joshua dahil tila mabilis umanong magpalit ng jowa ang aktor.

Depensa naman ni Ogie: “Pero di naman siya nag-overlapping. Pagkatapos ng isa siguro mabilis lang siyang nakakahanap. Madali siyang nakaka-move on, hindi ba?”

Sa kasalukuyan, si Filipina-French athlete Emilienne Vigier ang pinagsususpetsahang karelasyon ni Joshua.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa isang panayam, sinabi niya na hindi naman niya dine-deny si Emilienne sadyang gusto lang umano niyang maging pribado ang kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: ‘Tapos na pila?’ Joshua Garcia, pinagluto raw si Fil-French athlete Emilienne Vigier – Balita