Ibinahagi ni Maggie Wilson na nakalaya na ang kaniyang senior citizen na inang si Sonia Wilson matapos itong dakpin ng mga pulis dahil daw sa "carnapping."

Sa kuwento ni Maggie sa pamamagitan ng Instagram stories, simula Oktubre 11, 2023 na raw ang pinakamatagal na 36 oras ng kanilang buhay matapos mabilanggo ang 64-anyos na ina sa selda kahit na wala itong kasalanan sa ibinibintang sa kaniya.

Nagpatutsada pa si Maggie na kitang-kita raw sa mga nangyari sa kanila ang sistema ng inhustisya sa bansa.

Diretsahan siyang binanggit na ang dating mister na si business magnate Victor Consunji ang may pakana raw nito. Binanggit pa niya ang isang nagngangalang "Bernie Mendoza" at iba pang associates na patuloy raw na nagpapakalat ng mga maling balita tungkol sa kaniya at kay Tim Connor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinangako ni Maggie na anoman ang mangyari, ipagpapatuloy niya ang legal battle sa loob at labas ng bansa kaugnay sa mga nais papanagutin sa mga nangyari sa kaniya.

MAKI-BALITA: Ina ni Maggie Wilson, inaresto