Ni-reveal ng Miss Universe Organization (MUO) nitong Sabado, Oktubre 14, ang top 10 candidates ng 72nd Miss Universe Competition pagdating sa ongoing na fan votes.

Sa isang Facebook post, inihayag ng MOU na mula noong Huwebes, Oktubre 12, ang top 10 candidates sa fan votes ay ang beauty queens mula sa mga sumusunod na bansa:

  • France
  • ‘It’s not done until it’s won’: Michelle Dee, talagang tinarget ang korona Miss Universe PH

  • Nicaragua
  • Albania
  • Philippines
  • Mexico
  • Myanmar
  • Puerto Rico
  • Chile
  • Thailand
  • Lebanon

Courtesy: Miss Universe/FB

Courtesy: Miss Universe/FB

Courtesy: Miss Universe/FB

Nilinaw naman ng MOU na walang partikular na pagkakasunud-sunod ang inanunsyo nilang kandidata na pasok sa top 10 sa fan votes.

"It’s neck and neck! These are the delegates leading the Fan Vote as of Thursday, October 12th (in no particular order),” caption ng MOU sa naturang post.

“Don’t see your favorite delegate? Download the MISS UNIVERSE app and cast your vote now!" dagdag pa nito.

Makakasama umano sa semifinals ang kandidata na makatatanggap ng pinakamataas na bilang ng fan votes, na iaanunsyo sa finals ng 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador sa darating na Nobyembre 18, 2023.

Mahigit 80 candidates mula sa iba’t ibang mga bansa ang maglalaban para sa titulo ng Miss Universe 2023.

Si Miss Universe Philippines Michelle Dee naman ang beauty queen na pambato ng Pilipinas sa naturang pageant.