Sumalang ang Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Oktubre 13.

Matatandaang galing ang dalawa kamakailan sa Israel para sa nakatakda umano nilang concert kasama ang komedyanteng si Boobay. Ngunit dahil sa sumiklab na giyera sa nasabing bansa, kinansela na ito at umuwi na ang mag-jowa sa Pilipinas.

MAKI-BALITA:  Rayver, Julie Anne at Boobay ligtas na naihatid sa airport ng Israel pabalik ng Pinas

Sa panayam, ibinahagi nina Julie at Rayver ang kanilang mga kahindik-hindik na karanasan sa loob ng ilang araw na pananatili doon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Hindi tuloy naiwasang tanungin ni Tito Boy si Rayver kung naisip ba nitong mag-propose kay Julie sa gitna ng giyera na parang anomang oras ay pwede silang mapahamak.

“Ikaw, Rayver, hindi ka ba nag-isip na mag-propose? Somebody said that, e. Sino ba? In your group, di ba? Hindi ka ba naghanap ng pari?” natatawang tanong ni Tito Boy.

Sagot ni Rayver: “Kasi ang nangyari na, Tito Boy, ‘yung joke na ‘yun after na ng parang nakalabas na kami ta’s nakakape na kami sa baba. Pero noong time na ‘yung pangatlong pagsabog and pagpasok, like, para sa akin kasi, Tito Boy, everything happens for a reason, e. And Siya lang ‘yung nakakaalam n’on sa itaas.

“And para sa akin, ‘yung glimmer of hope, yung lakas ng loob ko, nanggagaling kay Julie. So iniisip ko, may rason kung bakit si Julie magkasama kami sa Holy Land. And then for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kanya," dagdag pa ng aktor.

Sa huli, nakuha pang magbiro ni Rayver na kaya raw inadya ng Panginoong Diyos na makauwi sila sa Pilipinas ay para magkaroon sila ni Julie ng chance na maging ninong si Tito Boy sa kasal.

Natawa naman si Tito Boy sa sinabing iyon ni Rayver.