Iniimbestigahan pa rin ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III kaugnay ng alegasyon ng dating tauhan na sangkot umano ito sa korapsyon.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Paliwanag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, aalamin ng NBI ang katotohanan sa likod ng naturang alegasyon ni Jefferfson Tumbado, dating executive assistant ni Guadiz.

"That is part of the motu propio powers of the NBI and we have reminded them to investigate this," anang opisyal.

Nitong Lunes, lumantad si Tumbado sa isang pulong balitaan at nangyayari ang suhulan sa LTFRB kapalit ng pagpapalabas ng permit para sa transport route at prangkisa.

Gayunman, nagbago ng isip si Tumbado at sinabi nito sa kanyang sinumpaang salaysay na "unintentional" at "misguided" ang naging pahayag nito.

Humingi na rin ng paumanhin si Tumbado kaugnay ng kanyang ginawa.

Sa kabila ng pag-atras nito sa naunang pahayag, nagpalabas pa rin ng subpoena ang NBI laban kay Tumbado.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na suspendihin si Guadiz kasunod ng nasabing alegasyon ni Tumbado.