Sapat pa ang suplay ng bigas hanggang sa unang tatlong buwan ng 2024.

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isinagawang pulong balitaan nitong Sabado, Oktubre 14.

Pinagbatayan ni De Mesa ang masaganang ani ngayong tag-ulan, bukod pa ang inaangkat na bigas para sa 3rd quarter ng 2023.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

“Bagama’t umaasa tayo ng additional imports ay very comfortable iyong ating national stock inventory – normally, tinitingnan natin between 60 to 90 days,” anang opisyal.

“But with our inventory plus imports, going into the first quarter of next year ay matatag po ang supply ng ating bigas sa buong bansa," aniya.

Aniya, kapag natapos na ang anihan sa susunod na buwan, asahan na nilang magkaroon ng national stock inventory sa loob ng 94 araw.

“So wala pa rito iyong additional imports noong buwan ng Setyembre at katapusan ng third quarter ay umabot sa 271,000 metric tons iyong na-import,” pagbibigay-diin ni De Mesa.

“Ang kabuuan, hanggang end ng third quarter is 2.4 million metric tons. This is 600,000 metric tons lower than three million metric tons of the same period last year," pahabol pa ni De Mesa.