Kinuwestiyon ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang hindi pagsama ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I sa listahan ng mga national holiday para sa taong 2024.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Oktubre 14, iginiit ni Castro na indikasyon daw ang hindi pagdeklarang holiday ng anibersaryo ng EDSA sa susunod na taon na mayroon umanong “coordinated effort” upang irebisa ang kasaysayan ng Pilipinas at burahin ang mga tanda ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadurya ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"First, they changed the curriculum of students by shortening the class time for history lessons and made official the deletion of Philippine history in high school. Second, they tried to dissociate the name Marcos from the term dictatorship by again changing the curriculum," ani Castro.

"Third, the bare wall policy of the Department of Education even banned pictures of our heroes who fought for our freedom and even past presidents of the Philippines to be displayed on walls of classrooms.”

Mga klase, pasok sa tanggapan ng gobyerno suspendido sa Oktubre 31

https://balita.net.ph/2023/08/21/duterte-sa-direktibang-alisin-lahat-ng-nakapaskil-sa-mga-silid-aralan-the-order-is-what-it-is/?fbclid=IwAR0l1ne6UQb5vNTHUZwXThjUCzZd3XH34KXdrNE7jVW9kdLMRrHW2gxkEec

"Lastly, this move not to declare Feb. 25 as a holiday shows that the Marcos administration does not value or even abhors People Power," dagdag pa niya.

Nanawagan din ang mambabatas na sana’y i-reconsider umano ng Malacañang ang naturang desisyon nito hinggil sa anibersaryo ng EDSA.

"We hope that Malacañang will reconsider because this will create more polarization in our society instead of unity," saad ni Castro.

Matatandaang nito lamang Biyernes, Oktubre 13, nang ilabas ng Malacañang ang listahan ng mga holiday para sa susunod na taon, kung saan hindi nga nakasama rito ang anibersaryo ng EDSA.

https://balita.net.ph/2023/10/13/malacanang-inilabas-listahan-ng-holidays-sa-2024-edsa-anniversary-di-kasama/

Paliwanag naman ng OP, hindi umano nakasama ang anibersaryo ng EDSA sa listahan ng special non-working days dahil natapat daw ang Pebrero 25, 2024 sa araw ng Linggo.

https://balita.net.ph/2023/10/13/op-may-pahayag-sa-di-pagsama-sa-edsa-anniversary-sa-holidays-para-sa-2024/

Bagama’t walang batas na nagsasabing dapat ideklara ang anibersaryo ng EDSA bilang holiday, idineklara ito noong nakaraang mga proklamasyon.

Nitong 2023, idineklara ni Pangulong Marcos ang Pebrero 24 bilang special non-working holiday upang gunitain ang EDSA People Power Revolution na natapat nang panahon iyon sa araw ng Sabado.