Tila hindi nagustuhan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na nalalagay sa alanganin si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards batay sa mga pahayag niya sa kaniyang programang “">Cristy Ferminute” kamakailan.

Matapos kasing aminin ni Alden na na-fall umano siya sa kaniyang dating ka-loveteam na si Maine Mendoza, inakusahan siya ng ilang bashers na ginagamit lang niya umano ito dahil may bago siyang pelikula.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’ – Balita 

Ang sey naman ni Cristy: “Ito naman ang akin, kung sinabi ba ni Alden na hindi po, hindi po ako talaga tinablan, working team lang po ‘yung amin, ano lang po, talagang kaibigan lang. Anong sasabihin? Kapal ng mukha mo! Sa tagal na ‘yun, hindi ka man lang tinablan!”

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Sabi pa ng co-host niyang si Romel Chika, kung tutuusin, gentleman pa nga si Alden sa naging pagsagot nito sa tanong.

“Napaka-gentleman niya, Nay. Kasi totoo ‘yung sinabi mo, e. Kaliwa’t kanan mag-comment siya, may masasabi.”

Kaya ang payo ni Cristy kay Alden sa susunod na tanungin ulit siya ng kung sino tungkol sa pag-ibig, huwag na lang sumagot para hindi na siya malagay sa alanganin.