Pinag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika ang mag-jowang sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa programang “Cristy Ferminute” noong Huwebes, Oktubre 12.

Matatandaang na-postpone kamakailan ang concert sa Israel nina Rayver, Julie, at komedyanteng si Boobay dahil sa nangyayaring sigalot sa nasabing bansa.

“Si Rayver Cruz saka si Julie Anne San Jose mukhang…mukhang ito ‘yung relasyon na, ika nga nila e, made in heaven. Alam mo kung dito nga na maayos ang ating sitwasyon, napakaganda ng kanilang relasyon. Paano pa kung ikaw ay makipagrelasyon sa isang tao na nakasama mo sa isang gipitan na sitwasyon tulad ng giyera di ba, Romel?” sabi ni Cristy.

Concert nina Julie Anne, Rayver kanselado dahil sa sigalot sa Israel

Sumang-ayon naman si Romel sa sinabi ng showbiz columnist. Sabi niya, doon umano lalabas ang emosyon ng dalawa sa isa’t isa.

“Doon mo makilala kasi kapag umaalis tayo ng bansa at makakasama mo ang isang tao, e. Lalo mong makikilala nang malaliman ‘yung isang tao. Ito ang nangyari sa kanila,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, ligtas naman ang tatlong Sparkle artists. Sa katunayan, naihatid na sila sa airport noong Oktubre 8 para makabalik sa Pilipinas. 

https://balita.net.ph/2023/10/08/rayver-julie-anne-at-boobay-ligtas-na-naihatid-sa-airport-ng-israel-pabalik-ng-pinas/

Nagpasalamat naman si Julie para sa mga nanalangin para sa kanilang kaligtasan.

https://balita.net.ph/2023/10/10/julie-anne-nagpasalamat-sa-mga-nanalangin-para-sa-kanilang-kaligtasan/