Nabanggit ni Mama Loi kay showbiz columnist Ogie Diaz ang panawagan umano na gumanap siya sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang kapatid ni Direk Joel Lamangan na gumaganap sa karakter ni “Roda”.

Sa isang vlog kasi ni Mama Loi noong nakaraang ABS-CBN Ball, ipinakilala ni Coco Martin si Ogie kay Julia Montes bilang kapatid umano ni Roda.

Sabi pa ni Mama Loi, bukod kay Coco, kinukumbinse rin umano si Ogie ng dating presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio Charo Santos na tanggapin ang role. 

Pero ayon kay Ogie, bagama’t gusto daw niyang umarte ulit at maging bahagi ng isang successful na teleseryeng gaya ng “Batang Quiapo”, hindi niya raw sigurado kung kaya pa ba niyang gumising nang maaga para sa call time ng shooting.

Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

“Alas-singko kayo, di ba?” paniniyak ni Ogie kay Mama Loi. Bahagi rin kasi ng cast si Mama Loi at si Dyosa Pockoh na madalas ring makasama ni Ogie sa kaniyang mga vlog tungkol sa showbiz updates.

“5 am,” sagot ni Mama Loi. “Siyempre nasanay ako na kapag call time, halimbawa, sasabihin sa ‘yo 5 am nagtatayo kayo ng tent. Nagulat ako pagdating ko doon sa set, 5 am nagkakape na si Direk. Naka-make up na.” 

Talagang hindi matatawaran ang sipag at dedikasyong ibinibigay ni Coco sa kaniyang teleserye. Sa katunayan, naaawa na nga raw sa kaniya ang co-star na si si Cherry Pie Picache. 

Pero ayon kay Coco, pagmamahal umano ng mga Pilipino ang dahilan kung bakit hindi siya napapagod sa trabaho. 

https://balita.net.ph/2023/09/10/coco-martin-ibinahagi-ang-dahilan-kung-bakit-hindi-napapagod-sa-trabaho/