Pansamantalang nagpaalam ang Kapamilya noontime show na "It's Showtime" sa madlang people nitong Biyernes, Oktubre 13.

Sa ">episode ng It’s Showtime matapos ang huli nitong segment na “Tawag Ng Tanghalan,” pinangunahan ng host na si Vhong Navarro ang pansamantala nilang pagpapaalam sa kanilang mga manonood.

"Maraming salamat, madlang people… Abangan n’yo po bukas ang 'It's Your Lucky Day' with Luis Manzano, Melai Cantiveros Francisco, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Seth (Fedelin), Francine (Diaz), Long (Mejia), Negi, Petit at Tetay. At kami naman po sa aming pagbabalik, October 28. Magsasama-sama tayo muli para sa Mini Ms. U: The Cutest Finale,” ani Vhong.

"Kaya madlang people, we’ll be right back. Mami-miss namin kayo, pero mabilis lang 'yan. Kaya magkita-kita tayo muli," dagdag pa niya bago natapos ang show.

'It's Your Lucky Day' inanunsyo na; ilang stars, nadagdag sa line-up ng hosts

Pansamantalang papalitan ng “It's Your Lucky Day” ang “It’s Showtime” mula sa Sabado, Oktubre 14 hanggang sa Oktubre 27.

Ito ay matapos magdesisyon ang ABS-CBN kamakailan na hindi na ito aapela sa Office of the President kasunod ng pagbasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa inihaing motions for reconsideration ng It’s Showtime sa 12 airing days suspension nito.

https://balita.net.ph/2023/10/06/abs-cbn-hindi-aapela-sa-op-kaugnay-ng-suspensiyon-ng-its-showtime/

Matatandaang pinatawan ng MTRCB ang It’s Showtime ng 12 airing days suspension dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/?fbclid=IwAR3MGICdPIvkSgP1fc_5f95_Kxh9leqsM2UdWdRxOsbr1UGwUZgGj3Nti1o