Inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magde-demand siya ng audit kung paano ginastos ni House Speaker Martin Romualdez ang pondo ng publiko kapag tumakbo raw ito bilang Pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Sa panayam sa SMNI noong Martes ng gabi, Oktubre 10, sinabi ni Duterte na nagbabalak maging Pangulo ng bansa ni Romualdez, ang dating campaign manager ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Samantala, sinabi ni Duterte na ang Kongreso umano ang “most rotten institution” sa bansa, dahil wala umanong “limit” ang “pork barrel” nito.

“Walang limit ang ano nila diyan, ‘yung pork barrel, pati ‘yang si Romualdez, he’s wallowing–Alam mo kasi, ewan ko kung bakit inaano niya si Inday. Si Inday naman is perceived to be a good candidate. But I’m saying now that Inday, as far as I’m concerned, should not run for president. Tama na ‘yang vice president. Maganda na ‘yan, ibigay na niya sa iba,” giit ni Duterte.

Former Pres. Duterte, dinipensahan si VP Sara tungkol sa confidential funds

Kaugnay nito, sinabi ni Duterte na si Romualdez umano ang nagbabalak na maging pangulo ng bansa.

“This Romualdez, Speaker, ‘yan ang–sige bigay ng ano sa congressman, pinagbusog niya lahat. Pero sabi ko, mag-audit tayo because Speaker is poised to be or to run for president,” saad ni Duterte.

“Well and good, gusto ko ikaw ang magpresidente kasi noon kaibigan kita. Wala pa ‘yan si (Bongbong) Marcos, nangangampanya pa, may parang sinasabi ka na gusto mo, sabi ko ‘okay.’ I was not thinking of my daughter, perceived lang ‘yan siya to be a good candidate. Pero tuluyan ko na, ikaw na Romualdez, pero maghingi ako ng audit,” pag-uulit niya.

“Ngayon, kung hindi ibigay sa atin ‘yan, I will ask everybody from the farmer, to the businessmen, to the Church people, to every Filipino, to every soldier and policeman, that will we all demand that we open the liquidation para malaman rin namin kung paano ninyo winaldas ang pera namin,” dagdag pa ng dating pangulo.

Samantala, sa kaparehong panayam ay inihayag din ni Duterte na gagamitin ni VP Sara ang confidential at intelligence funds (CIFs) ng kaniyang tanggapan para maging “compulsory” umano ang military training sa mga high school at college student.

Pagkatapos nito, pinatutsadahan ng dating Pangulo ang mga hayagang kritiko ng confidential funds ng bise presidente, partikular na si ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

https://balita.net.ph/2023/10/12/ex-pres-rodrigo-duterte-nagpatutsada-kay-rep-castro/

Matatandaang kamakailan lamang ay inalis ng Kamara ang confidential funds ng limang mga ahensya ng gobyerno para sa 2024 para ilipat umano sa mga ahensyang dumidipensa sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at nakatutok sa “peace and order” ng bansa.

Kabilang ang OVP at DepEd sa mga tinanggalan ng confidential funds para sa 2024.

https://balita.net.ph/2023/10/10/confidential-funds-ng-5-govt-agencies-inalis-ng-kamara-quimbo/