Inaapura na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation proceedings laban sa mga dayuhang illegal na namamalagi sa Pilipinas at sangkot sa umano'y "demanda me" scheme kung saan sinasadya nilang magpasampa ng kaso upang maantala ang pagpapatapon sa kanila sa pinagmulang bansa.

Paliwanag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, hindi maipatutupad ang deportasyon laban sa isang banyaga kung mayroon na itong nakabinbing kaso sa bansa.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"Some of these foreign nationals are abusing this by filing cases against themselves para ma-delay po iyong deportation," ani Sandoval.

Aniya, ang nasabing gawain ay madalas na kinasasangkutan ng mga pugante o foreign national na nais takasan ang kinakaharap na kaso sa kanilang bansa.

Hawak na rin aniya nila ang listahan ng mga dayuhang may kinakaharap na kaso sa Pilipinas, kabilang na ang mga gumagawa ng hindi makabuluhang bagay upang masampahan ng kaso.

"We are thankful for the support of the Department of Justice na ma-expedite po ang resolution para finally ma-deport na itong mga ito, magluwag po ng kaunti ang ating detention facility," aniya.

Kabilang aniya sa kanilang listahan ang isang Japanese na nasa kustodiya na ng mga awtoridad matapos kasuhan ng asawaDDahil sa umano'y paglabag sa Anti-Violence against Women and their Children Act.

"Iyong asawang iyon mismo ay araw-araw niya pa rin na binibisita obviously this is a made-up case," pagdidiin pa ni Sandoval.

PNA