Walo sa 22 overseas Filipino worker (OFW) na nailigtas sa giyera sa Israel ang nakatakdang umuwi sa bansa susunod na linggo.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ito ang isinapubliko ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega sa isinagawang press briefing sa Malacañang nitong Biyernes, Oktubre 13.

Nagpahayag aniya ng intensyon na umuwi ng Pilipinas ang 22 OFW.

Gayunman, walo muna sa mga ito ang aalis ng Israel sa Oktubre 1

Aniya, bahagi ng hakbang ng pamahalaan na maiuwi ng ligtas ang mga manggagawang Pinoy sa gitna ng tumitinding digmaan sa nasabing bansa.

“There are at least 22 Filipinos in Israel who have indicated that they want to go home. The first batch at the government’s expense will be leaving on October 16 – there are eight of them,” anang oisyal.

Paglilinaw ni de Vega, sasagutin ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastos sa pagpapauwi sa mga manggagawang Pinoy.

“Once they arrive, they’ll be given the proper assistance. The usual reintegration and other assistance packages provided by the DMW and the OWWA,” paglalahad ni De Vega.

Nilinaw din ni de Vega, tuloy pa rin ang biyahe patungong Israel.

Matatag aniya ang sitwasyon sa Israel kumpara sa Gaza. “The situation in Israel is not a big problem if it refers to the evacuation of nationals because the situation there is more stable and we’re ready to repatriate them and we don’t expect big numbers,” anang opisyal.

“It is our kababayan in Gaza, ganoon po. So – and obviously, Israel has indicated that they will undertake measures to eliminate Hamas. So, Gaza has been placed on voluntary – I’m sorry, on voluntary repatriation or crisis at level 3,” aniya.

Nilinaw din ni De Vega, hindi pa sila kumikilos para sa repatriation ng mga Pinoy sa Gaza dahil na rin sa usapin sa seguridad at nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad sa Israel upang matiyak ang kanilang kaligtasan.