Tila hahagilapin ng social media personality na si Rendon Labador ang toy collector at dating miyembro ng Streetboys na si Yexel Sebastian sa Japan.

“Tatago ka pa sa Japan? Hahanapin kita!!! Ikulong ang mag asawang scammer! Salot sa lipunan!!!” saad ni Rendon sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 11.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang napabalitang lumipad patungong Japan si Yexel kasama ang kaniyang misis na si Mikee Agustin sa kabila ng imbestigasyon dahil sa umano’y ₱200M investment scam sa ilang umano’y na-recruit na overseas Filipino workers o OFW.

Hindi makapaniwala ang netizens na nakalabas ng bansa ang mag-asawa.

Maki-Balita: Yexel Sebastian, Mikee Agustin nakalabas ng bansa; netizens, nagwala

Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration (BI) ang paglipad nina Yexel at Mikee dahil anila wala naman umanong nakahain na mosyon o kaso laban sa kanila.

Matatandaang nauna na ring binanatan ni Rendon si Yexel sa kaniyang Instagram story.

“Nakita mo na ba itsura ng kulungan?” ani Rendon kay Yexel.

“Tumakas ka pa papuntang Japan. Akala mo makakatakas ka sa akin?”

“Wait ka lang. Magbakasyon ka hanggang kaya mo. Bilang na ‘yung masasayang araw mo!” aniya.

Maki-Balita: Yexel ‘lagot’ kay Rendon: ‘Bilang na masasayang araw mo!’