Sentro ng usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendel Alvarez ang naging kasal ni Kapuso actress LJ Reyes sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Miyerkules, Oktubre 11.

Matatandaang ikinasal si LJ sa kaniyang non-showbiz fiance na si Philip Evangelista. Sa Instagram post na ibinahagi ni Candy Duyongco, makikita na ang reception naman ng kasal ay sa isang garden set-up.

MAKI-BALITA: LJ Reyes, Philip Evangelista ikinasal na!

At ngayong nakatagpo na ulit si LJ ng bagong pag-ibig, kailan naman kaya magpapakasal si Paolo Contis sa kaniyang jowang si Yen Santos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero hindi pa raw pwedeng ikasal ang dalawa dahil hindi pa annulled si Paolo sa dating asawang si Lian Paz na kasalukuyan ding may bagong partner.

Nauna na itong nabanggit noong Agosto sa usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa isang episode ng kanilang ">showbiz-oriented vlog.

MAKI-BALITA: Paolo Contis hindi pa puwedeng pakasalan si Yen Santos

Pero ang tanong, may balak nga ba talaga si Paolo na pakasalan si Yen kung sakali mang ma-annul siya sa dating asawa?

Kung si Wendell ang tatanungin, ito ang masasabi niya:

“Palagay ko, sabi nga, marami pa daw problema ‘yung mundo, ay magpapakasal pa ba kami?”

Agad naman siyang sinaway ni Romel: “Hoy, kay Gerald Anderson ‘yun saka Julia.”

“Ano naman ang kinalaman n’on?” sundot ni Cristy.