National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Opisyal at pormal nang inihayag ng ABS-CBN nitong Miyerkules, Oktubre 11, na ang programang "It's Your Lucky Day" ang pansamantalang papalit sa nasuspindeng noontime show na "It's Showtime" na magsisimula na sa darating na Sabado, Oktubre 14. 

Hanggang Oktubre 27 naman ang airing nito, na hudyat naman ng pagtatapos ng suspensyon ng It's Showtime. 

Sa unang ulat ng Balita hinggil dito, ang bago at pansamantalang noontime show na papalit dito ay may pamagat na "It's Your Lucky Day" na ang nakalinyang hosts daw ay sina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Negi, at Long Mejia.

Nabanggit din ang pangalan nina Andrea Brillantes at magkatambal na "FranSeth" na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Batay naman sa official teaser, nadagdag sa line-up ang "Dirty Linen" star na si Jennica Garcia, na hinuhulma ngayon sa hosting sa "Ur Da Boss" na mapapanood sa PIE Channel, ang interactive-entertainment channel ng ABS-CBN. 

Nariyan din ang aktor at singer na si Kyle Echarri. 

Kasama rin dito ang mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay. 

Ayon sa opisyal na pahayag ng Kapamilya Network, asahan pa ang iba't ibang special co-hosts at celebrity guests. 

Bukod sa mga social media platforms ng ABS-CBN, mapapanood pa rin ito sa free at cable TV gaya ng Kapamilya Channel, A2Z, at GTV, mula Lunes hanggang Sabado, sa kaparehong timeslot ng Showtime. 

Samantala, sinasabing habang "nakapahinga" ang It's Showtime hosts ay sasamantalahin ito ng ilan upang tutukan ang iba pa nilang proyekto, o kaya naman ay upang makapag-ensayo para sa unkabogable na performances nila para sa anibersaryo ng noontime program, gayundin sa inaabangang "Magpasikat" na taon-taon nilang ginagawa.